If there's one thing I really learned this sem, it's that trials and suffering are both intricate parts of life. Ang buhay ay hindi nawawalan ng pagsubok. Ngunit ang pagsubok ay hindi kapareho ng problema, sapagkat ang mga problema ay mayroong solusyon; and pagsubok wala. Ang tanging tugon sa bagsubok ay ang kilos ng kalooban tungo sa pag-asa. Ang pag-asang ito ay ang kilos ng kalooban na hindi makulong sa kadiliman ng pagsubok. Ang pag-asa ang nagsisilbing ilaw upan matanaw natin at maging bukas sa lahat ng uri ng pagsubok at kadiliman. Ang pagsubok ay kailanman di matatakasan...
Marami akong pinagdaanang pagsubok ngayong makalipas na ilang buwan. At tama nga, wala ngang lunas kundi ang maging bukas sa hinaharap at ang mga iba pang pagsubok na dala nito. Tanggap na lang ng tanggap. At sa bawat pagsubok, kung tama ang pagtanggap, tayo ay nadadala sa kaganapan ng ating katauhan. Kung mali...
Nandyan naman and temptasyon na hanapan ng lunas as mga pagsubok. Ngunit walang ganito. Ang pagiging optimismo ay ang pagiging sarado sa kalahatan ng buhay. Nakikita laman ang gustong makamit na kaganapan - isang makasariling pagkilos ng kalooban.
Friday, October 20, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment